Wednesday, November 19, 2008

estudyante.blues.



maaga ako gumising kanina kasi halos isang linggo na pala mula nang huli akong maglaba.. tsk tsk tsk parang dinapuan ata ako ng big "K" ah. bigla kong naalala na wala na rin pala akong allowance at kaylangan ko pa pumunta ng dentista.

"patay"...

mga 30 mins pa bago ako bumangon. 3 taon na halos mula ng tumigil akong magtrabaho para mag aral ulit.. ngaun sa awa ni Lord e ga-graduate na ulit ako for the second time around..

"sana naman mas masarap yung kainan namin nina dadi kesa nung dati..." hanep nagawa ko pang maisip yun.. ang takaw ko talga.. tsk tsk kaya hinde talga ako pwedeng maging vegetarian eh.. dalwang araw palang suko na ako agad..

mahirap din pala ang malayo sa magulang kahit na sabihin mong nasa tamang edad ka na. tulad ngaun na isa na naman akong "student bum" na umaasa sa allowance at padala. e wala naman akong choice. kesa naman umuwi ako sa amin e 3 hours ang layo nun sa school. kamusta naman ang hagardness ko. hay naku naman, kelan kaya ako makakapagtrabaho ulit... ang dami ko pa namang gustong puntahan.. di bale ilang buwang paghihirap nlng.. at matatapos na rin ang kalbaryo ko..


kayalangan ng magtxt ke bosing. naisip ko. paano ko kaya maisisingit ang pang pasta ng ipin ko?...


"dadi, pakipadala napo ang allowance ko
marami na ako duty hanggang katapusan,
pakidagdagan nlng po kasi ng LBM po ako bibili
ako ng gamot at gatorade."



Pucha talga... ang hirap maging bum.

No comments: