sa wakas ay natapos na rin ang paghihirap ko.. tapos na ang mahahabang gabi at araw na nilalaan ko para mag-duty sa ospital, gumawa ng community work, tumulong magpaanak , at makinig sa mga kwento ng mga pasyente ng psyche ward. hindi ko na rin kailangang gumising ng maaga para hindi ako ma-late sa school at magpuyat sa gabi (o kaya ay hindi na matulog) sa pagrereview para makapasa sa exam.. ang sarap pala talga ng pakiramdam! natapos rin ang halos 3 tatlong pghihirap at talga namang dapat lang mag-celebrate...
napagdesisyunan namin ni jugor kumain sa volare, isang pizza/pasta house malapit na sa antipolo pgkatapos ng huling exam namin. medyo mixed emotions pa ang nararamadaman ko kasi naman hanep sa hirap yung exam namin sa icn...50 items nga pero kaylangan matapos in 30 mins! kamusta naman! hanggang sa huling araw ng klase nakaka-toxic parin... dapat talaga mag-relax!
pagdating sa loob ng volare umorder na kami ng makakin. isang platter ng spaghetti, all meat pizza, mojos, coke at iced tea. habang hinihintay ang order namin pinagusapan muna namin ang katatapos lng na exam. "nakaka-frustrate talga" ..naisip ko..kaylangan pa magprepare sa boards...gusto ko na mgtrabaho ulit..
naunang i-serve ang drinks namin. coke kay jugor at iced tea naman para sa akin. uminom kaagad ako ng iced tea nang may maramdaman akong parang kakaiba pag sipsip ko sa straw... "parang nakalunok ako ng maraming langgam ah..." sabi ko kay jugor.. hindi naman ata ako narinig kasi busy siya sa pagsalin ng coke niya sa basong may yelo.
"yakkk!!!! " narinig kong sabi ni jugor sabay tapat ng straw niyang kulay puti sa muhka ko...
hindi ko alam kung pano ko pa nagawang kumain sa nakita ko, malamang dahil narin sa gutom o sa depression na may halong tuwa narin at tapos narin ang pag-aaral ko sa wakas. pero kahit na may 4 na malilit na ipis na nakatambay sa loob ng mismong bibig ng straw ni jugor e nagawa ko paring kumain ng isang platong spaghetti, 3 slice ng pizza at mojos.. e ganun talga, dedma nlng sa 4 na iplets (meaning maliit na ipis, duh!:D) na natagpuan ni jugor na tila gutom rin at may sariling party sa kanyang straw.
"hayyy nakakabusog!" sabi ko habang humihigop ng iced tea. bigla ako natigilan. bigla kong naisip ang mga "parang langgam" na nahigop ko kaninang bago ako kumain..bago ipakita sakin ni jugor na may iplets sa straw niya.. tinignan ko ba muna ang straw ko bago ko ginamit?....hinde..hinde talga??..... syet! ramdam na ramdam ko na may nahigop talga ako kanina..oh hinde! namutla nlng ako habang tawa ng tawa si jugor. alam kong na-gets na niya ang dahilan bat ako natigilan at namutla...parang gusto ko ata sumuka... isa sa mga paborito kong kainan ang volare, pero sa tingin ko iyon na ang huling araw na kakain ako sa kanila..kahit medyo hilo, nagpunta na ako sa counter para mgbayad na ng kinain namin. "580 po lahat ma'm" sabi sakin ng babae sa counter. nagawa ko pang mag-joke..
"kasama ba sa binayaran ko yung mga ipis sa straw??"
ngumiti lang yung miss sakin ng matipid at sinabing "sori po ulit ma'm"..
ano???? walang discount??wasak talga!!!
Sunday, March 8, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)